Home ENTERTAINMENT Sarah, binara sa ‘i’m single!’ statement!

Sarah, binara sa ‘i’m single!’ statement!

Manila, Philippines – Mukhang mahihirapang idepensa ni Sarah Lahbati ang kanyang sarili matapos niyang ipangalandakang wala raw masama kung nakita man siyang may foreigner guy na kasama sa isang resto sa Hongkong kamakailan.

Matatandaang nakunan ng litrato si

Sarah kasama ang isang “afam” sa isang kainan sa HK.

Isang netizen na llang mesa lang daw ang layo kay Sarah at sa male companion nito ang kumuha.

It was the same netizen who sent the pictures to Ogie Diaz na ibinalita naman nito sa kanilang online program, ang Showbiz Update.

Nagkaroon ng pagkakataon si Sarah na sagutin ang isyu sa mismong mediacon ng kanyang balik-TV series.

Aniya, unang-una raw ay kaibigan lang niya ang naturang afam.

As such, nilinaw niya: “Is it bothering me? No! There’s a lot more that can bother me!”

Ang obyus na hindi nagustuhan ng mga netizen ay kasunod na linya ni Sarah.

Iginiit kasi niya na wala raw siyang nakikitang masama even in the company of male friends dahil: “I’m single!”

Dito na nagsalimbayan ang reaksyon ng mga netizen na aware sa katotohanang hindi pa annulled o napapawalang-bisa ang kasal nina Sarah at Richard Gutierrez.

Ayon sa isa sa mga pumalag na netizen: “Girl, hiwalay ka lang…pero hindi ka single!”

Nang talakayin ito sa radio program na Cristy Ferminute, sinang-ayunan ng mga hosts nito ang reaksyon ng netizen.

Wala pa nga naman daw kasing dokumentong hawak si Sarah na makapagpapatunay na annulled na ang kasal nila ng aktor.

Balita kasing sa ngayon ay kostudiya ng kanilang dalawang anak ang inaayos ng estranged couple.

Balita rin kasing Richard is exhausting all means possible para magkaayos sila ni Sarah. Ronnie Carrasco III