Home NATIONWIDE Jumper pupuksain ng PNP, Meralco

Jumper pupuksain ng PNP, Meralco

121
0

MANILA, Philippines – Magtutulungan ang Manila Electric Company (Meralco) at Philippine National Police (PNP) laban sa jumper o ang iligal na koneksyon ng kuryente matapos na lumagda ang dalawa ng memorandum of understanding (MOU))..

Sa isang pahayag, sinabi ng PNP na sa ilalim ng kasunduang ito, ang Meralco ay nangako sa paglulunsad ng mga information campaign tungkol sa energy safety at disaster preparedness.

Tutulungan ng Meralco ang PNP sa pagsusulong ng ligtas na paggamit ng kuryente, pagbibigay ng espesyal na pagsasanay, pagpapalawig ng legal na tulong, at pagdaraos ng iba pang corporate social responsibility (CSR) na proyekto para sa komunidad.

Sinabi ni PNP chief Police General Rommel Marbil na ang PNP at Meralco ay nagkakaisa upang lumikha ng mas ligtas, mas malakas, at mas matatag na komunidad, na nagpapakita ng kapangyarihan ng public-private partnerships sa pagtugon sa mga isyung panlipunan.

Ayon sa PNP, ang MOU ay isang makabuluhang hakbang sa pagpapahusay ang pakikipagtulungan sa pagitan ng tagapagpatupad ng batas at mga entidad ng pribadong sektor.

Para sa seremonya ng pagpirma sa Meralco Compound sa Pasig City, kinatawan ng Meralco ang chief operating officer nito na si Ronnie L. Aperocho, networks head Engr. Froilan Savet, at corporate security management head Michael Saguin.

Kinatawan ng PNP sina Marbil at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Police Brigadier General Nicolas Torre III. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here