MANILA, Philippines – Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang kilusan sa loob ng militar para magtatag ng junta at nananatiling tapat sa proseso ng Konstitusyon.
Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, bagama’t may usap-usapan ang ilang retiradong opisyal, walang kasali ang aktibong kawani.
Aniya, “hindi susunod ang AFP sa anumang reset plot” at nananatiling propesyonal, disiplinado, at hindi partidista.
Dagdag pa niya, ang anumang imbestigasyon sa retiradong opisyal ay sasaklawin ng ibang ahensya ng gobyerno, at ipapatupad ang kaukulang parusa kung aktibong kasapi ang sangkot. Dave Baluyot