Home NATIONWIDE K to 12 program ‘di naging matagumpay – teacher group

K to 12 program ‘di naging matagumpay – teacher group

223
0
Alinsunod sa kanyang pangakong protektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, opsiyal at kawani ng paaralan, namahagi si Sen. Cynthia A. Villar ng Lysol Disinfectant sa pitong public schools sa Las Piñas.Donasyon ng Reckitt Benckiser-Philippines ang Lysol na bahagi ng kanilang "Disinfect to Protect" campaign. Cesar Morales

MANILA, Philippines – DISMAYADO ang ilang guro sa naging resulta kung bakit hindi naging successful ang K to 12 program ng pamahalaan simula ng umpisahan ito ng nakalipas na administrasyon.

Ayon kay Benjo Basas, chairperson ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC) hindi naging successful ang K to 12 program ng gobyerno dahil ang problema ay ang mismong educational system na ipinatupad ng pamahalaan.

Sinabi ito ni Basas sa isang forum sa Quezon City kanina Oktubre 4, Biyernes at nalulungkot ang kanilang hanay na hindi naging matagumpay ang programa ng K to 12 na basic education program.

Nabatid pa sa lider ng mga guro na resulta ito na hindi umano naging maayos ang programa ng K to 12 kung bakit nabigo ang programa.

Kaugnay nito sinabi ni Basas na naghain na ang Teacher’s Dignity Coalition (TDC) ng apila sa Korte Suprema para dinggin ang kahilingan nito na aprubahan ang kanilang grupo na mapasama ang TDC bilang partylist ngayong midterm election.

“Nagsampa kami ng apila sa Supreme Court dahil lahat kami ay lehitimong mga teacher, supervisor, principal, retired teacher at binubuo kami ng sektor ng mga guro” ayon pa kay Basas.

Ginawa ng lider ng mga guro ang apila matapos ibasura ng Comelec ang inihain ng kanilang grupo sa Komisyon na mapasa sa midterm election sa 2025 election bilang partylist ng mga guro.

Sinabi pa ni Basas na ang Teachers Dignity Coalition ay may 2,500 members at isang marginalize group ng mga guro. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here