Home NATIONWIDE Office of the President magbibigay ng P25M tulong sa Batanes sa hagupit...

Office of the President magbibigay ng P25M tulong sa Batanes sa hagupit ni Julian

142
0

MANILA, Philippine -MAGBIBIGAY ang Office of the President (OP) ng P25 million sa provincial government ng Batanes para tumulong sa pagbangon nito kasunod ng matinding pananalasa ng Bagyong Julian.

Nauna rito, binisita ni Pangulong Marcos ang lalawigan ng Batanes para pangasiwaan ang pamamahagi ng tulong sa mga residente sa Oval Plaza sa Munisipalidad ng Basco.

”Ang Office of the President naman ay magrerelease kami ng P25 million para sa inyo,” ang winika ni Pangulong Marcos.

Aniya pa, magbibigay din ang tanggapan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng P15 million para tulungan ang mga apektadong residente.

Samantala, nagdeklara ang lalawigan ng Batanes ng state of calamity dahil na rin sa pananalasa at pinsala na dulot ng Bagyong Julian.

Nananatili namang limitado sa nasabing lalawigan ang mga public utilities at services gaya ng ‘tubig, kuryente at linya ng komunikasyon. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here