MANILA, Philippines – SA SUSUNOD na linggo ay nakatakdang magpartisipa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 44th at 45th ASEAN Summit and Related Summits sa Vientiane, Lao PDR.
Ngayong taon, ang naturang summit ay may temang ASEAN: Enhancing Connectivity and Resilience.
Sa website nito, sinabi ng ASEAN na ang rehiyon gaya ng ibang rehiyon sa ibang bansa, patuloy na hinaharap ang napakaraming hamon kabilang na ang napakatagal na economic at financial difficulties sa kabila ng unti-unting pagbangon mula sa ‘multidimensional disturbances.’
Idagdag pa rito, ang mga usapin ukol sa climate change, natural disasters, at traditional at non-traditional security ay nananatiling matinding hamon sa rehiyon.
Samantala, nakatakda namang makapulong ng Pangulo ang Filipino community doon sa sidelines ng ASEAN Summit. Kris Jose