Home NATIONWIDE Ka Leody humabol sa COC filing ngayong araw

Ka Leody humabol sa COC filing ngayong araw

MANILA, Philippines – Umabot na sa kabuuang 58 ang mga aspirant senators na naghain o nagsumite ng Certificate of Candidacy (COC), sa ikaapat na araw ng paghahain ng kandidatura para sa May 2025 national and local Elections Comelec filing site sa The Manila Hotel The City.

Habang nasa kabuuang 50 Partylist naman ang naghain ng Certificate of Nomination at Certificate of Acceptance of Nomination (CON-CAN).

Huling naghain ng COC si Leodegario “Ka Leody” de Guzman, na kilalang labor right activist at tumakbo ring presidente noong 2022 Presidential elections.

Si De Guzman ay tumatakbong senador sa ilalim ng Partido Lakas ng Masa gayundin sina Luke Espiritu at Beniga Elvis.

Iginiit ng tatlo na ang kanilang pagtakbo ay upang mapalitan ang mga nais bumalik sa pagka-senador lalo na’t wala Naman nagawa ang mga ito at walang nagbago sa estado ng pamumuhay ng bawat Filipino.

Ilang lamang sa mga partylist na naghain ng CON-CAN ngayong araw, Oktubre 4 ay ang Ilocano Defenders, Ang Probinsyano, Magbubukid, Gabriela, Pinoy Ako at iba pa.

Humabol naman sa huling minuto ng CON-CAN filing ang Ating Guro -Teachets Dignity Concerned Partylist na nagsusulong para sa karapatn ng mga guro, bata at magulang na may mga anak na nag-aaral sa Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden