Home HOME BANNER STORY Layoso kampeon sa 15Th CKTBA-NBT Open Bowling Championship

Layoso kampeon sa 15Th CKTBA-NBT Open Bowling Championship

227
0
BOWLING KING - Tinanggap ni Benshir Layoso ang tumataginting na P50,000 cash prize matapos magkampeon sa 15th CKTBA-NBT Open Bowling Championship - Mixed Open Senior Division. Nasa litrato rin sina President Ronnie Javier at BOD Rene Meneses.

MANILA, Philippines – Nasungkit ng pambato ng Manila Tenpin Bowling Association (MTBA)-Remate na si Benshir Layoso ang kampeonato sa Mixed Open Senior Division sa ginaganap na 15th CKTBA-NBT Open Bowling Championship sa Paeng’s Freedom Bowl sa 3rd floor ng Robinson’s Place, Imus, Cavite.

Umiskor si Layoso ng 1,873 points upang maghari sa kategorya na may premyong P50,000 cash at napakagandang trophy.

Naibulsa naman ni six-time world bowling champion Paeng Nepomuceno (CKTBA) ang 1st runner up award sa iskor na 1,851 na may premyong P25,000 cash kasama ang isang trophy.

Hindi naman nagpahuli si Rey Tejano (CKTBA) na may 1,823 points para makuha ang 2nd runner up na karangalan na may P12,000 cash prize plus trophy habang nagkasya naman sina Vener Reasonda (PTBA-Hernrich) at Ronnie Dimapilis (CASBA-CKTBA) sa 3rd at 4th runners up na may premyo ring P6,000 at P3,000 ayon sa pagkakasunod-sunod.

Kahanga hanga at kapuri-puri ang ipinakitang husay at dedikasyon sa laban ng mga manlalaro ng MTBA – Remate sa pangunguna ni President Benny D. Antiporda dahilan para masungkit nila ang korona sa kumpetisyon.

Samantala, binigyan din ng award ang mga division top qualifier na sina Roy Nineza ng CKTBA bilang 1st place na may premyong P4,000; 2nd place Ray Santos ng USBC na may premyong P3,000 at 3rd place na si Ernie Jacinto ng CKTBA, may P2,000 na cash prize.

Ngayon araw ng Sabado (October 5, 2024) nakatakdang magtagisan ng galing ang mga bowler sa mixed classified division sa ganap na ika-10 ng umaga at sa Linggo naman sisiklab ang bakbakan sa mixed open sa ganap ding ika-10 ng umaga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here