Home SPORTS Ka Rex Cayanong kampeon sa 6-Cock/Bullstag Combo Invitational Derby

Ka Rex Cayanong kampeon sa 6-Cock/Bullstag Combo Invitational Derby

309
0

Muling nasilayan ang tikas ng mga panabong ni Ka Rex Cayanong matapos mag kampeon sa 6-Cock / Bullstag Combo Invitational Derby na inilarga sa Pasay Cockpit Arena sa Pasay City, noong Martes ng gabi.

Nakipagtambalan si Cayanong kay Anteng Bullecer at ginbamit nila ang entry name na KA REX 6- STAG AUGUST  28,  PASAY/ SKY WALKER upang umiskor ng perfect six points at sapat para magkampeon.

Bagama’t dalawang ang umiskor ng anim na puntos sa pa derby ni Ed Monreal na may guaranteed prize na P1.2M, ay pinaghatian nila ang P700,000 para sa champion.

Unang binalibag ng Ka Rex 6- STAG August  28,  Pasay / Sky Walker ang  SRCA July 7 5-Stag ni Engr Inday, sunod ang Prince888 Team Pasay 4-Cock Del Monte June 20, Taylor Swift, HBD Sputnik GF Argem Col July 26 6-Stag Derby, Oct 21 Jonas 5-Stag plus 100k Raffle 2 at Swabe and Friends Jan 29 5-Cock.

Umabot sa 49 entries, karamihan sa mga sumali ay miyembro ng WPC tulad nina  Eric Dela Rosa, Don King, Arnold Dela Cruz at Meng Ocante kaya super ang mga sultadang napanood ng mga mamamago.

Susi sa tagumpay nina sabong sensation, Cayanong at Bullecer ay ang gaffer na si Tawo Bullecer at handler Nunok Bullecer.

Samantala, magpapa-derby naman si veteran broadcast journalist Cayanong sa Stagan sa Agosto kung saan ay nakalaan ang P1.1M kabuuang premyo na gaganapin sa Pasay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here