Muling pumupog ng kampeonato si sabong sensation Ka Rex Cayanong matapos irehistro ang pang-anim na korona ngayong 2024 nang maghari ito sa katatapos na 5-Stag Invitational Derby, Local Band na binitawan sa ruweda ng Pasay City Cockpit Arena noong Oktubre 25.
Gamit ang entry name na KA REX 1.5M No Pot 6-Stag B-DAY Derby NOV 5 Pasay, nirehistro ni Cayanong ang apat na puntos sapat upang mag kampeon sa nasabing derby na hosted ni Nelson Salvanera.
Natisod sa unang laban, subalit kinadena ni Cayanong ang apat na natitirang laban sa event na No Pot money at may minimum bet na P8,800.
Pinalakpakan ang manok ni Cayanong nang talunin nito sa kanyang huling laban ang MBC Grand Finals October 26,2024 na pag-aari ni si Erick Dela Rosa.
Ipinantapat ni Cayanong ang kanyang 5K Sweater sa pambatong Round Head Sweater ni Dela Rosa, palitan ng palo kaya naman parang naging Fight of the Day ang kanilang sultada.
Natalo si Cayanong sa Palito 7- Stag Manila Arena 55k Pot December 7 sa unang laban, pero bumangon agad para pagpupupugin ang Pleasant Drive (2nd fight), AA Rizal Laguna Col Decem 22 5-Stag Derby (3rd fight), AAC Brothers. & JFU Pantera (4th) at ang kay Dela Rosa.
Unang kuminang si veteran broadcast journalist, Cayanong ngayong 2024 ay sa 3-Stag sa Angono, 4-Stag sa San Roque, 6-Stag sa Antipolo, 5- Stag Derby AEJ Game Farm sa Mataas na Kahoy Cockpit sa Batangas noong Setyembre 28 at 5-STAG INVITATION DERBY Pasay City Cockpit noong Oktubre 10.
Nakasama ni Cayanong sa paghahanda ang handler na sina Rolando Nicdao at Jhon Borja habang si Jonie Gojo ang gaffer.
Samantala, ilang araw na lang at lalarga na ang palaban ni Cayanong na “Ka Rex B-Day 1.5M 6-Stag National Invitational Derby na gaganapin sa Pasay Cockpit Arena sa Nobyembre 5.