MANILA, Philippines – INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang ulat na di umano’y may kahina-hinalang wireless fidelity (Wi-Fi) access points sa paligid ng Senado.
Sa isang kalatas, sinabi ng DICT na ang napaulat ay nananatiling ‘unverified, walang kumpirmadong kompromiso ng government systems o critical digital infrastructures.
“Appropriate validation and assessment activities are likewise being conducted to determine the nature and legitimacy of the information received,” ayon sa DICT.
Nagbabala naman ang departamento sa publiko na maging maingat sa pagbabahagi ng unverified cybersecurity-related claims para maiwasan na magdulot ng unnecessary alarm o pagkalito.
Gayunman, nanawagan ang DICT sa mga kaugnay na tanggapan ng gobyerno na rebisahin at palakasin ang kanilang network security measures, kabilang na ang pagmo-monitor o pagsubaybay sa wireless access points, hindi awtorisadong device at kahina-hinalang network activities.
Habang sinasabi na ang kahina-hinalang networks ay nananatiling unverified, nagbabala ang DICT sa publiko na sundin ang basic network security measures gaya ng kumonekta lamang sa ‘official at verified Wi-Fi networks’ at huwag paganahin ang automatic connections sa mobile devices para ” to prevent unintended access to unknown networks.”
Nanawagan din ito sa publiko na kaagad na ireport ang kahina-hinalang Wi-Fi pop-ups, o anumang hindi pangkaraniwan na connectivity behavior sa DICT.
“The department assures the public that the security of government digital systems remains a top priority. Together with its partners, DICT remains committed to safeguarding the reliability and integrity of government online services and sustaining public trust in national digital governance efforts,” ang sinabi ng DICT. KRIS JOSE