Home NATIONWIDE Kahit uuwi ng Ilocos Norte ngayong Semana Santa; PBBM, magtatrabaho, ‘di magbabakasyon...

Kahit uuwi ng Ilocos Norte ngayong Semana Santa; PBBM, magtatrabaho, ‘di magbabakasyon – Malakanyang

127
0

MANILA, Philippines – Hindi magbabakasyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpahayag na uuwi sya sa kanyang bayan, sa Ilocos Norte ngayong Semana Santa.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na kahit uuwi ng Ilocos Norte ang Pangulo ay magta-trabaho ito

“Sa Pangulo po, hindi po uso ang salitang “pagbabakasyon.” So, sabi nga po niya, siya po ay mag-spend ng kaniyang Holy Week sa Ilocos Norte kasama ang kaniyang pamilya. Walang pagbabakasyon dahil patuloy po ang ating Pangulo sa pagmo-monitor at pagbibigay ng utos sa mga kailangan na gawin ng ating mga ahensiya sa gobyerno,” ayon kay Castro.

Wala namang maibigay na karagdagang detalye si Castro hinggil sa pagpunta ng Pangulo sa Ilocos Norte lalo na sa oras at kung anong araw ito aalis papunta sa kanyang bayan.

Nauna rito, sinabi ng Pangulo sa isang ambush interview na ”I will spend a few days in Ilocos Norte and I’ll be back on Manila by the weekend.”

Kamakailan ay nanawagan si Pangulong Marcos sa mga filipino na palakasin ang pagkakaisa at pananampalataya habang ginugunita ang Semana Santa.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ng Pangulo ang publiko na maglaan ng oras para sa pahinga at pagninilay, at muling pagtibayin ang malasakit at paglilingkod sa kapwa.

Binigyang-diin din niya ang sakripisyo ni Jesus Christ, na aniya’y paalala na ang tunay na kadakilaan ay makikita sa sakripisyo, hindi sa kapangyarihan.

”For in every act of compassion, every hand extended to those in need, and every sacrifice made for the good of others, we keep alive the spirit of His message,” pahayag ng Pangulong Marcos.

Hinimok ni Pang. Marcos ang bawat filipino na manatiling matatag sa pananampalataya, magtulungan sa gitna ng pagsubok, at magkaisa para sa mas maunlad at mahabaging “Bagong Pilipinas.”

Nagtapos ang Pangulo sa pagbati ng isang makabuluhan at mapagpalang Semana Santa para sa lahat.

”I wish everyone a meaningful and blessed Holy Week,” wika ng Pangulong Marcos. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here