Home NATIONWIDE Kahit walang hidwaan: Pag-aresto kay Duterte pahihintulutan pa rin ni PBBM

Kahit walang hidwaan: Pag-aresto kay Duterte pahihintulutan pa rin ni PBBM

MANILA, Philippines – KIKILALANIN pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang request ng Interpol na arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Roa Durterte kahit pa maayos ang relasyon ng mga ito.

Binigyang din ni Palace Press Officer Undersecretary Attorney Claire Castro na susundin lamang ng gobyerno ang batas maging anuman ang personal na relasyon.

”Of course, we will just abide by the law, ‘yun po, kung ano man po ang naging kasunduan with the Interpol, kahit sino pa po ‘yan, mayroon pang UniTeam, walang UniTeam, it will be the same,” ang sinabi ni Castro.

”Hindi po tayo puwedeng magkaroon ng special treatment dahil lang mayroong friendship,” dagdag na wika nito.

Samantala, nauna nang inamin ni Vice President Sara Duterte na wala nang balikan ang kanilang laban kontra sa kampo ni Pangulong Marcos.

Malabo na aniyang manumbalik ang samahan ng Team Unity dahil marami na ang nangyaro, kabilang ang mga pag-atake sa kanilang panig sa iba’t-ibang paraan.

Maituturing umanong “point of no return” at haharapin nila ito sa anumang paraan. Kris Jose