Home OPINION KAILAN BA MASASAMPAHAN NG KASO SI ZALDY CO?

KAILAN BA MASASAMPAHAN NG KASO SI ZALDY CO?

320
0

MISMONG tagapagsalita ng Department of Justice ay umamin na” the DOJ is still facing hurdles in building up the case against resigned representative Zaldy Co.”

Sa panayam kay Spokesman Polo Martinez sa ” Storycon” inamin niya they are NOT YET close to filing a case against Co”

Mabuti na lang at honest at hindi paasa ang DOJ spokesman. Hindi bolero at nagsasabi ng totoo. Nauna pang naihanda ang kulungan na ” reserved” sa mga sangkot sa flood control scam pero mukhang si Zaldy Co ay mananatiling matutulog sa airconditioned suite niya sa mga mamahaling hotel gamit ang pera ng bayan.

Bakit matagal? Dahil assuming na build up na kaso laban kay Zaldy Co ay hindi pa siya makukulong. Kailangan pa magkaroon ng tinatawag na preliminary investigation. Pasasagutin pa si Co sa DOJ bago pa maisampa sa husgado at daraan sa “due process.”

Tanong : paano mapapadalhan ng subpoena si Co kung hanggang ngayon ay hindi alam kung nasaan siya? Hindi naman uusad ang preliminary investigation hangga’t walang notice sa kanya. Doon pa lang ay hirap na ang pamahalaan, ano pa ang pagpapakulong sa kanya?

Kaya nga ang pananaw ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ay iutos ni BBM sa Department of Foreign Affairs ang pag-cancel ng passport ni Co based on National Security. Hayaan natin ang mga abogado ni Co ang dumepensa sa kanya. Ang mahalaga ay mapauwi siya, mabigyan ng subpoena at kopya ng demanda para umusad ang preliminary investigation.

Ang ‘legal questions’ ay hayaan natin ang Husgado magdesisyon. Tulad ng ginawa nila kay dating Presidente Digong Duterte na dala na sa The Hague. Nasa International Criminal Court na kahit may mga legal questions. Bakit pagdating kay Co ay tila takot na takot ang pamahalaan mapauwi siya. Tuloy nagkakaduda na baka may mga maidawait na mga tao si Co na MOST GUILTY sa KORAPSYON.

Matagal pa ang laban na ito ng sambayanang Pilipino.

Samantala ang mga Korap ay nasa power pa rin. May kapasidad pa ring gumawa ng mga hakbang para pagtakpan ang katotohanan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here