Home NATIONWIDE Kakulangan ng mga doktor, nars ikinabahala ng PH Red Cross

Kakulangan ng mga doktor, nars ikinabahala ng PH Red Cross

MANILA, Philippines- Nagpahayag ng pagkabahala sa kakulangan ng mga doktor sa bansa si PRC Chairman at CEO Richard Gordon at binigyang-diin sa kanyang talumpati sa Donor Appreciation Ceremony ng University of the Philippines (UP) College of Medicine (UPCM) nitong Enero 30 ang pangangailangan para sa isang mas inklusibo at accessible na medical education.

Binigyang-diin ni Gordon na araw-araw, mas maraming Pilipinong doktor at nars ang naghahanap ng mas magandang oportunidad sa ibang bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang bansa ay kailangang maghintay ng humigit-kumulang 12 taon upang punan ang kakulangan ng nars at 23 taon para sa mga doktor.

“Lack of universities in provinces, especially in Visayas and Mindanao where there is a disparity in healthcare access as compared to Luzon, offering medicine programs and the cost of medical education prevent low-income students from accessing med school,” sabi ni Gordon.

Muli niyang iginiit na ang PRC ay naghahanap ng mga paraan upang matulungan ang bansa na matugunan ang isa sa mga matinding alalahanin sa healthcare.

Mapapansin na noong 2022, ang PRC ay nagbigay ng buong scholarship sa labindalawang (12) na medical students ng UPCM, na sumasaklaw sa kanilang matrikula, allowance sa pamumuhay, at allowance sa transportasyon, bukod sa iba pa, para sa buong tagal ng programa.

“We are the biggest full scholarship provider of the UPCM. This year, we will add 12 more students from UPCM Doctor of Medicine-Master of Public Health (MD-MPH) in our scholarship program,” anunsyo ni Gordon.

Nakatuon ang PRC na tulungan ang bansa na isulong ang sistema ng pampublikong kalusugan nito dahil kailangan din ng organisasyon ng mas maraming medical personnel sa mga humanitarian responses nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBulacan ecozone lilikhain ng Senado; $200B kikitain ng PH kada taon – Zubiri
Next articleSundalo pisak sa wing van