Home METRO Sundalo pisak sa wing van

Sundalo pisak sa wing van

NEGROS OCCIDENTAL- Patay ang isang sundalo matapos magulungan ng wing van habang natutulog ito sa ilalim ng sasakyan, nitong Lunes sa San Carlos City.

Kinilala ang biktimang si Corporal Galileo Alegre, 28, nakatalaga sa Army Engineering Battalion, Himamaylan City at taga-Calatrava, Negros Occidental.

Sumuko naman sa pulisya ang driver ng wing van na kinilalang si si Archie Salibay.

Ayon kay Major Ryan Villasario ng San Carlos City Police Station, naganap ang insidente sa daungan sa Barangay 6 ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, hindi napansin ng suspek na nasa ilalim ng trak ang biktima at natutulog nang bigla na lamang niya itong pinaandar para isakay sa roll-on, roll-off vessel (RoRo) patungong Cebu.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nagkasundo naman ang pamilya ng biktima at suspek na magkaroon ng pag-uusap para hindi na magsampa pa ng kaso. Mary Anne Sapico

Previous articleKakulangan ng mga doktor, nars ikinabahala ng PH Red Cross
Next articleUPDATED LIST NG MGA VAT-EXEMPT NA GAMOT, INILABAS NG BIR