VATICAN CITY – Bahagyang bumuti ang kalagayan ni Pope Francis sa kabila ng kanyang kritikal na kondisyon dulot ng double pneumonia, ayon sa Vatican.
Nananatili siya sa Gemelli Hospital sa Roma at patuloy na binibigyan ng oxygen, bagamat bahagyang nabawasan ang daloy nito. Hindi rin ikinababahala ang kanyang bahagyang problema sa kidney.
Sa kabila ng karamdaman, nagbalik-trabaho ang Papa at nakipag-ugnayan sa isang parokya sa Gaza. Matapos ang matinding respiratory crisis noong weekend, wala nang sumunod na komplikasyon.
Habang patuloy ang espekulasyon tungkol sa kanyang kalagayan, nanawagan ang ilang opisyal ng Simbahan na magtuon sa panalangin imbes na pag-usapan ang papalit sa kanya.
Patuloy ang pang-araw-araw na panalangin para sa kanyang paggaling sa St. Peter’s Square. RNT