MANILA, Philippines – Walang nanalo sa jackpot prizes ng Grand Lotto 6/55 at Megalotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Pebrero 24, 2025.
Nanatiling hindi napanalunan ang P86.4 milyon na jackpot ng Grand Lotto 6/55 sa winning numbers na 28-06-11-43-53-13.
Wala ring nakahula sa kombinasyon ng Megalotto 6/45 na 06-07-45-34-21-20, kaya’t hindi pa rin napanalunan ang P17.2 milyon na premyo. RNT