Home ENTERTAINMENT Kalat na: Greta, tatakbo sa Kongreso!

Kalat na: Greta, tatakbo sa Kongreso!

Manila, Philippines-Hindi pa matiyak sa ngayon kung anong distrito, pero balitang sigurado na raw ang pagtakbo ni Gretchen Barretto bilang kongresista sa Maynila.

Ang susunod na (mid-term) elections ay sa Mayo 2025.

May mga umuurot na raw kay Gretchen to take the political plunge partikular na sa Lower House.

No less than her good friend at negosyanteng si Atong Ang ang kumukumbinsi sa (semi-retired) actress.

Take note, Gretchen is reportedly welcoming of the idea.

Bakit nga ba hindi?

Maratandaang malaki ang naiambag ni Gretchen noong kasagsagan ng pandemya.

She became famous for her “love box” na naglalaman ng sari-saring items, both local and imported, na ipinamahagi niya sa mga kapwa artista at maging sa entertainment press.

Ang maganda roon, hindi na kailangang pik-apin ‘yon sa designated drop-off point kundi mismong dine-deliver sa mga bahay-bahay.

Bukod sa assorted goodies, kabilang din ang mga saku-sakong bigas.

At kung hindi pa sapat ‘yon, ang binansagang “Our Lady of Ayuda” ay nag-abot din ng tulong sa mga local government units o LGUs.

Nag-donate din si Greta ng mga wheelchair at iba pang medical needs sa mga ospital.

Gretchen could have run in the 2022 elections at posibleng nanalo pa pero hindi siya tumakbo.

Marami ang nagsasabing “hinog” na raw si Gretchen dahil “nakapagtanim” na siya ng binhi.

Matatandaang ang nakababata niyang kapatid na si Claudine ay tumakbong councilor sa Olongapo City noong 2022 pero hindi ito pinalad. Ronnie Carrasco III