Home METRO 6 raliyistang inaresto ng MPD sumailalim sa inquest proceeding

6 raliyistang inaresto ng MPD sumailalim sa inquest proceeding

MANILA, Philippines- Paglabag sa Public Assembly Act of 1985 ang isinampang kaso laban sa anim na kabataan na inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) matapos silang sumailalim sa Inquest Proceedings nitong Huwebes ng umaga.

Kabilang sa mga naaresto ang anim na kalalakihan at isang babae na kasama sa mga nagkasa ng kilos-protesta kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day nitong May 1.

Ayon kay MPD Director PBGen. Arnold Thomas Ibay, ipiprisenta ang mga naarestong kabataan para sa reklamong paglabag ng Batas Pambansa 880 o direct assault at disobedience.

Pagtitiyak ng opisyal, legal ang pag-aresto sa anim na kabataan at hindi naging marahas ang mga pulis.

Katunayan, tatlong pulis ang nagtamo ng minor injury matapos magkagirian ang mga raliyista.

Kinondena ng Kabataan party-list, transport group na Piston at labor group na Kilusang Mayo Uno ang pag-aresto kung saan ipinanawagan nila ang agarang pagpapalaya sa kanila.

Paalala ni Ibay sa mga grupo na nais magsagawa ng kilos-protesta sa Maynila, kumuha ng permit para maiwasan ang gulo.

Giit ni Ibay, wala silang binigyan ng permit sa mga rally kahapon dahil hindi sa freedom park ang mga napiling lugar tulad ng harap ng US Embassy. Jocelyn Tabangcura-Domenden