Home ENTERTAINMENT Kalat na: Kuya Wil, ibinebenta ang Tagaytay hotel-resort!

Kalat na: Kuya Wil, ibinebenta ang Tagaytay hotel-resort!

Manila, Philippines – Inaantabayanan ang TV comeback ni Willie Revillame via his show Wowowin.

Last year ay plano ngang magkaroon ito ng simulcast over PTV4 at IBC 13.

Pero ang latest, dahil state-owned ang dalawang channels ay hindi ganoon kadali ang proseso.

For one, nariyan ang COA o Commission on Audit na nagbabantay for obvious reasons.

At dahil malabo na ngang mapanood muli ang Wowowin, walang choice si Willie kundi magkasya sa social media.

Sayang dahil Willie has such lofty ideas para ipagpatuloy ang pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan for which he’s known.

Isa pang fresh update, balitang up for sale ang kanyang luxury hotel-resort and restaurant sa Tagaytay.

At presstime ay wala pa raw itong interested buyer.

Ang dahilan: the said property costs a fortune.

Hindi lang ilandaang milyong piso kundi tumataginting na isang bilyon!

Napagtanto na rin daw ni Willie na malaki ang perang inaakyat sa real estate business.

Last year, nabalitang isa-isa nang dinidispatsa ng TV host ang kanyang mga mamahaling paintings.

Nagbawas na rin daw siya ng kanyang luxury cars.

Lumutang tuloy ang usap-usapan na hindi “liquid” si Willie.

So, does this mean na malabo pang makabuwelo si Willie ngayong 2024? Ronnie Carrasco III

Previous articleRider patay sa tandem sa QC
Next articleMassimo, pagsasabayin ang showbiz at sabong!