Home METRO Rider patay sa tandem sa QC

Rider patay sa tandem sa QC

MANILA, Philippines – Patay ang isang 21-anyos na lalaking rider matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Quezon City.

Sa ulat nitong Miyerkules, Enero 3, nakita sa CCTV ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa Bulusan corner Calamba Street, alas-11 ng gabi ng Martes.

Sandaling tumigil ang mga lalaki na tila may hinihintay, bago tuluyang umikot.

Makalipas ang halos dalawang minuto ay bumalik ang mga lalaki sa lugar saka nilapitan ang biktima, saka binaril ng mga salarin.

Dead on the spot ang biktimang rider na nagtamo ng hindi bababa sa tatlong tama ng bala ng baril sa kanyang ulo.

Narekober ng mga awtoridad ang dalawang basyo ng bala sa lugar at dalawang sachet ng shabu na nakalagay sa motorsiklo ng biktima.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Quezon City Police District sa insidente. RNT/JGC