Home OPINION KALBARYO SA NAGA CITY AT CAMSUR

KALBARYO SA NAGA CITY AT CAMSUR

171
0

ISINUSULAT ng inyong lingkod ito ay -stranded pa rin sa Naga City sa rehiyon ng Bicol.

Nagtungo  tayo sa Tacloban City, by land, para magbigay ng respeto sa namayapa kong tiyahin.

Kalbaryo ang aking dinanas sa biyahe pabalik ng Metro Manila.

Hanggang ngayon ay hirap na madaanan ang Maharlika Highway na patungong Maynila, vice versa, bunsod nang pag-apaw ng tubig-baha sa daraanan.

Mantakin n’yo, ilang araw na nakalabas sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang severe tropical storm “Kristine” ngunit napakahirap pa rin ng sitwasyon sa lalawigan.

Libu-libong sasakyan sa Maharlika  HIghway ang naghihintay na makabiyahe.  At ang mga pampasaherong bus ay hindi pa pinapayagang magbiyahe sa nasabing lungod at maging sa lalawigan ng Albay.

At pihadong madaragdagan ang aming kalbaryo dahil sa papasok na panibagong bagyo. Lalo kaming hindi makatatawid papuntang Maynila at vice versa.

Wala akong makitang maayos na ginagawang solusyon ang mga awtoridad para malutas ang paghihirap na ito.

Yung iba, naghanap na ng ibang madaraanan pero gayon din, baha pa rin ang sumalubong sa kanila.

Sa Brgy. Panoypoyan sa Camarines Sur, isinasakay na ang maliliit na sasakyan para lang makatawid sa tulay na umapaw  sa tubig baha. Kalbaryo pa rin dahil hindi libre ang pagtawid.

Kaawa-awa ang mga bumiyahe na may kasamang mga anak. Nagkakasakit na sila, at nagugutom ang iba sapagkat naubos na ang kanilang badyet.

Ganito ang kasalukuyang gobyerno sa paglutas sa mga sinasapit nating delubyo.

Naaalala ko tuloy ang ipinagyabang ni Bongbong Marcos sa kanyang State of the Nation Address na hindi na tayo makararanas ng pagbaha dahil may natapos na ang kanyang administrasyon na 5,500 flood control projects.

Pero talagang marunong ang kalikasan dahil ilang araw pa lang ang SONA ni Marcos ay bilang dumating ang Bagyong “Carina” na sinabayan ng habagat kung kaya’t biglang bumaha ang Metro Manila at mga karatig na lalawigan.

Ang masaklap, biglang itinuro ng mga nakapaligid kay PBBM ang mga proyektong palpak kaya bumaha ay sa dating administrasyon.

Pukaw na mo!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here