Home NATIONWIDE Kaligtasan, kalidad ng serbisyo ng mga barko, pinaigting ng MARINA

Kaligtasan, kalidad ng serbisyo ng mga barko, pinaigting ng MARINA

1
0

MANILA, Philippines – Nakatutok ang Maritime Industry Authority (MARINA) sa pagpapahigpit ng kaligtasan at kalidad ng serbisyo ng mga barkong rehistrado sa Pilipinas sa ilalim ng panukalang Memorandum Circular.

Sasaklawin ng panukala ang mas mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin,operasyon at risk-based enforcement para maging mas ligtas at maayos ang mga domestic maritime operations sa bansa.

Layunin nito na matiyak na sumusunod ang lahat ng sipping operator sa mga regulasyon at mapabuti ang serbisyo para sa mga pasahero.

Ayon kay Alkim Inter Island Water Transport Services Representative Miles Vidas, magsisilbi itong gabay sa mga shipping operator upang mapahusay ang serbisyo at matiyak ang pagsunod sa mga regulasyon.

Binigyang-diin naman ni Zamboanga Golden Dragon Shipping Corporation Representative Angie Campaner ang kahalagahan ng bukas na konsultasyon ng MARINA sa mga sektor ng industriya bago ipatupad ang panukala.

Sa ilalim ng panukalang circular, inaasahang mas magiging proactive ang MARINA sa pag-monitor ng risk at mas magiging accountable ang mga operator sa kaligtasan ng kanilang mga barko at pasahero. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here