Home OPINION KALIGTASAN NG OFWs, PRAYORIDAD NG DMW

KALIGTASAN NG OFWs, PRAYORIDAD NG DMW

199
0

PANGUNGUNAHAN ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Migrant Workers, ang ika-9 na Ministerial Meeting ng Abu Dhabi Dialogue (ADD) sa 2028, na nakatuon sa pagsusulong ng ligtas at etikal na migrasyon ng mga manggagawa.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac, sa loob ng tatlong taong termino ng bansa bilang Tagapangulo, bibigyang-diin ang kapakanan at proteksyon ng mga manggagawang Pilipino, pagtugon sa agwat ng edukasyon at trabaho, pagpapatupad ng ligtas at etikal na recruitment, at pagpapalakas ng social protection para sa Overseas Filipino Workers.

Ipinaliwanag ni Cacdac ang mahalagang papel ng pakikipagtulungan sa TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) upang higit na mapalakas ang kasanayan at kakayahan ng mga Pilipinong manggagawa na naghahangad magtrabaho sa ibang bansa.

Sa ilalim ng polisiya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at sa ika-11 sunod na taon na pagkabilang ng Pilipinas sa Tier 1 ng US Trafficking in Persons Report, patuloy na kinikilala ang bansa bilang halimbawa sa pagsusulong ng ligtas at makatarungang labor migration.

Binigyang-diin din ng DMW ang maigting na kampanya laban sa illegal recruitment. Pormal na inendorso ni Cacdac ang National Bureau of Investigation upang pangunahan ang paglusob at pagsasampa ng kaso laban sa mga illegal recruiter bilang babala sa mga nagbabalak manloko ng mga aplikante.

Bukod sa NBI, katuwang din sa law enforcement team ang Bureau of Immigration at ang Board of Immigration Commissioners, lalo na sa beripikasyon ng mga dokumentong dala ng mga umaalis na OFW.

Gayunman, aminado si Cacdac na maaaring naging talamak ang ilang iligal na gawain dahil sa pagkasangkot ng ilang tiwaling opisyal sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Dahil dito, binigyang-diin ng DMW ang kahalagahan ng mas mahigpit na koordinasyon, transparency, at pananagutan upang tunay na matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat OFW.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here