Home HOME BANNER STORY Kaligtasan ng Pinoy seafarers sa inatakeng MV Tutor tiniyak ni PBBM

Kaligtasan ng Pinoy seafarers sa inatakeng MV Tutor tiniyak ni PBBM

MANILA, Philippines- Dadalhin ang Filipino seafarers na sakay ng barkong inatake ng Houthi rebels noong Miyerkules sa Djibouti, sa paghahanap ng pamamaraan ng pamahalaan upang mapauwi sila sa Pilipinas, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Biyernes.

Sa isang video message, sinabi ni Marcos na nakikipag-ugnayan ang Philippine government sa United Kingdom Maritime Trade Operations.

“Sa ating mga kasama na Filipino seafarers na nakasakay nung MV Tutor na binomba at ngayon ay hindi malaman ang gagawin – lahat ng maaring gawin ay ginagawa na namin,” giit ng Pangulo.

“Patuloy ang aming paghanap ng tulong sa ating mga kaibigan para madala na kayo sa Djibouti,” dagdag niya.

Inako ng Yemen’s pro-Iranian Houthi group noong Miyerkules ang responsibilidad para sa small watercraft at missile attacks na umatake sa Greek-owned cargo ship malapit sa Red Sea port of Hodeidah sa Yemen, ayon sa ulat.

Kinondena ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs, ang pag-atake at nanawagan sa mga miyembro ng United Nations ”to protect the human rights of seafarers.” RNT/SA