MANILA, Philippines- Nawawala ang isang Filipino crew member ng MV Tutor na inatake ng mga rebelde ng Yemen Houthi habang binabaybay ang Southern Red Sea at Gulf of Aden noong Miyerkules, sinabi ng Department of Migrant Workers noong Biyernes.
Sa virtual press briefing, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na ang Greek-owned bulk carrier ay may 22 crew na karamihan ay mga Filipino, ay nawasak ang ilang bahagi maging ang engine room, sa pag-atake.
“Right now, we are still in the process of trying to ascertain. We’re trying to account for the particular seafarer in the ship and are praying that we could find him,” sabi ng opisyal.
“Rest assured that all of the next of kin of the seafarers have been contacted,” dagdag ng opisyal.
Sinabi ni Cacdac na ang ibang seafarers na sakay ng barko ay ligtas at nasui na sila sa pamamagitan ng video call.
“Everybody from the MV Tutor is safe and sound. I saw them personally on the video. Everybody is fine, at least from the video, and they are safe onboard the ship. And having said that, rescue must be undertaken,” ayon kay Cacdac.
Sabi ni Cacdac, sila ay nakipag-ugnayan na sa Department of Foreign Affairs, manning agency at ship owner.
“The rescue is forthcoming within the day. I cannot disclose any details with respect to the rescue for security reasons,” dagdag pa ni Cacdac.
Ang Gulf of Aden, kabilang ang Red Sea, ay kasama sa natukoy na lugar na may mataas na peligro.
Sa unang bahagi ng taong ito, ang DMW ay naglabas ng isang abiso na nag-uuri sa “warlike and high-risk areas” kung saan ang Filipino seafarers ay kailangang bigyan ng karapatang tumanggi sa paglalayag na may repatriation at compensation.
Sa pinakahuling pag-atak , sinabi ni Cacdac na, “ipinaalam sa kanila na hindi ginamit ng mga marino ang kanilang karapatang tumanggi sa paglalayag at pumayag silang sumali sa paglalayag.” Jocelyn Tabangcura-Domenden