Home METRO Barangay officials inihabla sa ‘stolen ayuda’

Barangay officials inihabla sa ‘stolen ayuda’

MANILA, Philippines- Inasistihan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Biyernes ang isang residente ng Davao City sa paghahain ng criminal at administrative charges laban sa dalawang barangay officials sa umano’y pagnanakaw ng bahagi ng kanyang cash assistance. 

Magkasamang naghain sina DSWD Field Office-11 Regional Director Vanessa Goc-ong at Anne Villarin ng complaint affidavit sa local Office of the Ombudsman sa Davao Region. 

Sinabi ng DSWD na inamin ng dalawang opisyal ng barangay ng Barangay Sinawilan sa isang panayam na kinaltas ang P8,500 mula sa P10,000 cash aid kay Villarin. 

Ibinahagi ni Villarin, buntis, sa kanyang viral video na natirhan lamang siya ng P1,500 mula sa kanyang payout para sa Presidential Assistance to Farmers, Fishermen, and their Families program noong Hunyo 6 matapos sabihin sa kanyang kailangan niyang i-remit ang pera sa barangay hall. 

Tiniak ng DSWD na aasistihan nito si Villarin sa paggulong ng kasong inihain nito.

“Our office has also provided Mrs. Villarin with an additional Php8,500 because she refused to accept the money being returned by the barangay officials after the post went viral,” wika ni DWSD spokesperson Irene Dumlao. 

Pinaalalahanan ng DSWD ang local government officials na dapat ibigay nang buo ang cash aid sa lahat ng benepisyaryo. RNT/SA