MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Malacañang nitong Biyernes ang pagtatalaga kay Antonio Baltazar “Toby” Nebrida Jr. bilang acting general manager ng People’s Television Network, Inc.
Sinabi ng Presidential Communications Office na manunungkulan din si Nebrida bilang miyebro at kinatawan mula sa pribadong sektor ng Board of Directors.
Pinalitan ni Nebrida ang broadcaster na si Ana Puod, na nagsilbi bilang PTV general manager sa loob ng halos isang taon.
Nanungkulan si Nebrida bilang tagapagsalita ng Department of Migrant Workers bago ang pinakabago niyang appointment. RNT/SA