Home HOME BANNER STORY Mayorya ng mga Pinoy walang naramdamang pagbabago sa kalidad ng buhay –...

Mayorya ng mga Pinoy walang naramdamang pagbabago sa kalidad ng buhay – sarbey

MANILA, Philippines- Karamihan o 45 porsyento ng mga Pilipino ang patuloy na nakararamdam na walang pagbabago sa kalidad ng kanilang buhay kumpara noong nakaraang taon, ayon sa poll mula sa Social Weather Survey (SWS).

Habang mayorya ng mga Pilipino ang walang naramdamang pagbabago, makikita sa SWS survey na isinagawa mula Marso 21 hanggang 25 na 30 porsyento ang nagsabing bumuti ang kalidad ng kanilang buhay kumpara noong nakaraang taon.

Samantala, 25 porsyento ng mga Pilipino ang nagsabing lumala ito.

“The March 2024 Net Gainer score was similar to +5 (30 percent Gainers, 25 percent Losers) in December 2023,” ayon sa SWS.

“It was 7 points above the fair -2 in September 2023 but 6 points below the very high +11 in June 2023,” dagdag nito.

Nilahukanan ang SWS ng kabuuang 1,500 adults — 600 sa Balance Luzon at tig-300 sa Metro Manila, Visayas at Mindanao — sa pamamagitan ng in-person interviews.

Ang survey ay mayroong sampling error margins na ±2.5 porsyento para sa national percentages, ±4.0 porsyento para sa Balance Luzon, at tig-±5.7 porsyento para sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao. RNT/SA