MANILA, Philippines- Iniligtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Chinese national na sakay ng Chinese vessel “Shi Dailo” matapos maaksidente na nagresulta sa head injury habang nasa baybayin ng Zamboanga City noong Hunyo 10.
Sa situation report ng PCG nitong Biyernes, ang biktima na si Zhang Donggou ay aksidenteng nahulog sa accomodation B-deck ng Shi Dailo.
“According to the information received from the National Maritime Center, the said vessel is expected to pass through Zamboanga City and request a medical evacuation,” ayon sa ulat.
Bilang tugon, nakipag-ugnayan ang PCG sa medical evacuation mula sa Ben Go Wharf sa Zamboanga City na binubuo ng medical professionals ng PCG Medical Clinic Southwestern Mindanao, mga tauhan ng Special Operations Unit – SWM, at ang Public Information Officer – SWM aboard MRRV4404.
Dinala si Zhang ng medical evacuation team sa Brent Hospital sa Zamboanga City para sa agarang atensyong medikal.
“En route to the hospital, the PCG’s medical personnel provided essential treatment, including wound cleaning and vital sign monitoring.”
Ang rescue operation, ayon sa ulat, ay tungkol sa kooperasyon at “empathy” ng PCG sa panahon ng krisis.
Ayon pa sa PCG, ang pagtugon ng ahensya ay naglalaman ng diwa ng bayanihan ng mga Pilipino, na nag-aalok ng tulong nang walang pagsasaalang-alang sa nasyonalidad. Ang mabilis na pagkilos ng PCG ay sumasalamin sa isang pangako sa mga prinsipyong makatao at nagniningning bilang isang ilaw ng pag-asa. Jocelyn Tabangcura-Domenden