Home HOME BANNER STORY Chinese embassy sa Pinas: POGO ipagbawal

Chinese embassy sa Pinas: POGO ipagbawal

MANILA, Philippines- Umapela sa Pilipinas ang Embahada ng Tsina sa Maynila na i-ban ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) para maaga pa lamang ay mabunot na umano ang ugat ng isa sa nagbibigay ng sakit sa lipunan.

“POGOs should be outlawed as they have become havens for various crimes,” ayon sa embahada.

“Ample evidence shows that POGO breeds serious crimes such as kidnapping for ransom, human trafficking, and murder. POGO is detrimental to both Philippine and Chinese interests and images, as well as China-Philippines relations,” ang nakasaad pa rin sa kalatas ng embahada.

“The Chinese government is committed to protecting the legitimate rights and interests of Chinese citizens. We appeal to the Philippines to ban POGO at an early date so as to root out this social ill,” dagdag na wika nito.

Sinabi pa ng embahada na hindi kinukunsinti ng Beijing ang anumang uri ng sugal.

Sa katunayan, sanib-pwersa pa ang Pilipinas at Tsina na lansagin ang illegal activities.

“The Chinese government strictly cracks down on Chinese citizens engaging in gambling business abroad, including POGO,” giit ng embahada.

“In recent years, the Chinese and Philippine law enforcement agencies have maintained close communication and cooperation and conducted multiple joint operations to bring down cross-border gambling and telecom fraud,” patuloy ng embahada sabay sabing, “since 2018, nearly 3,000 Chinese citizens implicated in the cases have been repatriated with the joint efforts of both sides.”

Samantala, sinabi naman ng Chinese embassy na mariin nitong tinututulan ang “any baseless accusation and smearing against China in connection with POGO.” Kris Jose