Home METRO Kaliwat-kanang kilos protesta ng taumbayan, iskolar ng bayan kontra kurakot nag-aalab sa...

Kaliwat-kanang kilos protesta ng taumbayan, iskolar ng bayan kontra kurakot nag-aalab sa Bulacan

319
0

BULACAN, Philippines – Daan-daang residente sa munisipalidad ng Guiguinto ang nagmartsa kasama ang mga iskolar ng bayan na sumisigaw ng kanilang saloobin kontra kurakot at sa maanamolyang flood control scam sa lalawigang ito.

Namataan ang mga nagrally nitong umaga ng Setyembre 27 na nagtipon sa simbahan, nagmartsa sa bahang kanto ng Cruz palabas ng MacArthur highway patungong munisipyo ng Guiguinto at nagsagawa ng programa.

Suot ang itim na damit na may tatak na “Tindig Guiguinto”, bitbit ang kanilang mga plakard na nagsabing: ”Ang tao, ang bayan, ngayon ay lumalaban”, “wakasan ang korapsyon” at ikulong ang mga kurakot na sangkot sa flood control project sa lalawigan.

Samantala, kasabay din na nagmartsa ang daan-daang residente ng Paombong at Bustos na naglabas ng saloobin kontra kurakot at sa maanomalyang proyekto sa baha sa kanilang ikinasang programa sa harapan ng munisipyo.

Napagalamang bantay-sarado ng mga awtoridad gaya ng PNP, BFP at iba pa ang naturang protesta sa magkakahiwalay na bayan sa nasabing lalawigan.

Sinasabing sa susunod na Martes, Setyembre 30, ay may ikinakasang malawakang rally at sasabayan muli ng campus walk out ng mga iskolar ng bayan. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here