
MANILA, Philippines- Opisyal na winakasan ng Philippine Marine Corps (PMC) at ng United States Marine Corps (USMC) ang Kamandag Exercise for 2025.
Ito ang pagtatapos ng bilateral training kung saan pinagsama ang Philippine at U.S. forces, kasama ang iba pang key partners, sa pagsisikap na paghusayin ang kooperasyon at mission effectiveness.
Nilahukan ang Kamandag Exercise ngayong taon ng Japan Ground Self-Defense Force, Republic of Korea Marine Corps, at United Kingdom Armed Forces.
Samantala, ang the Netherlands, Bahrain, Canada, at New Zealand ay nagsilbing observers.
“KAMANDAG — Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat — is more than just a military exercise. It is a symbol of the enduring partnership between the Armed Forces of the Philippines and our allies, most notably the United States Marine Corps,” pahayag ni Western Mindanao Command (WestMinCom) Commander Lt. Gen. Antonio Nafarrete sa closing ceremony.
Kabilang sa mga pagsasanay ngayong taon sa Kamandag ang mga sumusunod:
Chemical, Biological, Radiological, Nuclear and Explosive (CBRN) Subject Matter Expert Exchange (SMEE)
Senior Enlisted Leaders Symposium (SELS)
Maritime & Special Operation Forces events
Live Fire Integration
Maritime Strike
Counter-Landing/Defensive Retrograde Operation
Special Operating Forces Strike
Humanitarian Assistance and Disaster Relief.