Home NATIONWIDE 4 volcanic quakes naitala sa Kanlaon

4 volcanic quakes naitala sa Kanlaon

MANILA, Philippines- Na-monitor sa Kanlaon Volcano sa Negros Island ang apat na volcanic earthquakes nitong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Nagbuga ang bulkan ng 5,324 tonnes ng sulfur dioxide sa 24-hour period mula 12 a.m. ng Biyernes hanggang 12 a.m. ng Sabado, ayon sa PHIVOLCS. 

Naobserbahan din ang pagbuga ng usok mula sa crater, habang nananatiling inflated ang “edifice” ng bulkan, base sa PHIVOLCS.

Nananatili ang Alert Level 3 (Intensified Unrest/Magmatic Unrest) sa Kanlaon Volcano. RNT/SA