Home NATIONWIDE Kamara naaalarma na sa pagdami ng agresibong aksyon ng China sa WPS

Kamara naaalarma na sa pagdami ng agresibong aksyon ng China sa WPS

MANILA, Philippines – Nagpahayag na ng pagkaalarma si House Speaker Martin Romualdez sa pagdami ng kaso ng harassment na ginagawa ng China sa West Philippine Sea(WPS).

Tinukoy ni Romualdez ang pinakabagong insidente sa WPS kung saan biktima ng mapanganib na pagmamaniobra ng China Coast Guard ang vessel ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagsasagawa ng humanitarian mission sa pagitan ng Rizal, Palawan at Escoda Shoal.

Ito na ang ikalawang pagkakataon sa loob ng iaang linggo na nangharass ang China sa mga sasakyang pandagat ng bansa.

“This area is clearly within the 200-mile exclusive economic zone of the Philippines under the United Nations Convention of the Law of the Sea, to which China and the Philippines are signatories,” paliwanag ni Romualdez.

Umapela si Romualdez sa China na respetuhin ang international law at resolbahin ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa sa isang maayos na dialogue.

“Beijing should pursue consultations and dialogue as a way to resolve conflict, and not resort to confrontation and aggression,” ani Romualdez.

Sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) pinanindigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang karapatan ng Pilipinas sa WPS. Gail Mendoza