MANILA, Philippines- Sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. nitong Martes na ang China ang “biggest disruptor” ng international peace sa rehiyon.
“China… is the biggest disruptor of international peace in the ASEAN region,” pahayag ni Gilberto Teodoro sa isang conference ng US Indo-Pacific Command sa Manila, tinutukoy ang Association of Southeast Asian Nations.
Seryoso ang Manila sa pagprotekta sa soberanya nito, giit ni Teodoro.
Kasunod ang pahayag ng opisyal ng serye ng komprontasyon sa pagitan ng Philippine at Chinese vessels sa West Philippine Sea (WPS).
Hinikayat ni Teodoro ang mga kaalyadong bansa na sitahin ang “illegal actions” ng China sa WPS.
Inaangkin ng China ang halos kabuuan ng South China Sea, kabilang ang WPS, sa kabila ng international ruling na nagsasabing wala itong legal na basehan. RNT/SA