Home NATIONWIDE Kamara nakidalamhati sa pagkasawi ni ex-Rep. Hagedorn

Kamara nakidalamhati sa pagkasawi ni ex-Rep. Hagedorn

Manila, Philippines – Nakikiramay ang liderato ng Malaking Kapulungan ng Kongreso dahil sa pagpanaw ni dating Palawan Rep. Edward Solon Hagedorn.

Sinabi ni House Speaker Martin Romuladez na “we are deeply saddened by the loss of our cherished colleague, Rep. Edward Solon Hagedorn. More than his roles in the political arena, Cong. Ed was a guiding light and inspiration to many of us personally. His passion for the environment, tourism, agriculture, and peace was not just a professional pursuit, but a reflection of his soul.”

Pamilya ang pagtuturing ni Romualdez kay Hagedorn simula nang maging magkasama sila sa Kongreso sa pagsasabing “to me, and many of us at the House of Representatives, he wasn’t just a colleague.”

Ayon pa rin sa mambabatas higit na dapat alalahanin ang inspirasyon na naibahagi ng yumaong kongresista at ang legacy nito bilang environmentalist.

“ I ask the nation to join me in extending our deepest condolences to his family and loved ones. As they tread through this period of grief, may they find solace in the immense legacy he leaves behind and the countless lives he touched. To have known and worked with Cong. Ed has been an honor and a privilege. His spirit and legacy will undoubtedly continue to inspire us all.

Samantala bilang chairperson ng House committee on ecology, ay nagparating din ng pakikiramay si Laguna Rep. Marlen Alonte sa pamilya ng yumaong mambabatas na tinawag niya bilang “guardian of Palawan.”

“He defended Palawan as any father would defend his family and home, especially against people and companies who tried or intended to desecrate Palawan’s natural beauty and wealth.”

Hindi aniya maitatanggi na si Hagedorn ay mananatiling “champion of the Puerto Princesa Subterranean River National Park at UNESCO World Heritage Site.”

Isa rin si Hagedorn na nagpatupad at nagsulong sa Clean Air Act at ng mga programang paggamit ng electric vehicles, energy efficiency, renewable energy, at clean energy—na sa ngayon ay inaani ng Puerto Princesa sa pagkakaroon ng “clean air and greening programs.”

Binanggit pa ni Alonte na si Hagedorn ang naging boses sa masigasig na kampanya upang hindi mahati ang Palawan sa tatlong lalawigan. (meliza maluntag)