Home NATIONWIDE 3 mangingisda patay; bangka nabangga ng foreign vessel

3 mangingisda patay; bangka nabangga ng foreign vessel

INFANTA, Pangasinan – Tatlong mangingisda ang nasawi sa pagkalunod habang 11 naman ang nasagip sa tumaob na sinasakyang bangka matapos aksidenteng sumalpok sa isang foreign vessel sa layong 180 nautical miles o 333 kilometro hilagang-kanluran ng Barangay Cato dito nitong Lunes, Oktubre 2.

Base sa ulat, nangingisda umano ang mga biktima sakay ng F/B Dearyn nang mabangga umano ng hindi pa nakikilalang foreign vessel.

Dahil dito, tumaob si F/B Dearyn at nalunod ang tatlong mangingisdang sakay na sina Dexter Laudensia, 40, kapitan ng bangka; Romeo Mejico, 38, at Benedick Uladandria, 62, residente ng Barangay Calapandayan, Subic, Zambales.

Nasagip naman ang labing-isang mangingisda at kinilalang sina Johnny Manlolo, 40; Estelito Sumayang, 50; Mario An, 50; Mandy An, 22; Michel An, 37; Gino Arpon, 30; John Michel Nogas, 37; Noriel Tolores, 27; William Asunista, 39; Darwin Mejia, 32, at Reymark Bautista, 30, pawang tubong Barangay Calapandayan.

Sinabi ni Infanta chief of police Police Capt. Christopher Nacional na nakipag-ugnayan na sila sa Philippine Coast Guard hinggil sa insidente. RNT

Previous articleKamara nakidalamhati sa pagkasawi ni ex-Rep. Hagedorn
Next articleDTI, humirit ng ₱200 million para sa AI Center