MANILA, Philippines – Inatasan ng House Committee on Appropriations si Health Secretary Ted Herbosa na ipaliwanag ang kanilang polisiya sa “No Balance Billing” upang maging malinaw sa publiko na wala silang babayaran sakaling mailipat sa private rooms sa mga public hospitals sa sitwasyon na wala nang maibigay na ward bed.
Bilang tugon, sinabi ni Herbosa na magpapalabas ang Department of Health ng guidelines ukol dito.
Sa ilalim ng PhilHealth Circular 2017-0006, ang mga nasa ward type accommodation ay sakop na ng NBB, ibig sabhn ay wala silang babayaran.
Subalit kung papasok ang pasyente sa private accommodation ay hindi na sila sakop ng NBB policy.
Sa pagdinig ng komite sinabi ni Northen Samar Rep Raul Daza na maraming pagkakataon na walang bakantemg ward kaya naman dapat wala din bayaran kung qmg pasyente ay inilagay sa private room.
“There’s a gap, which is poor patients in many hospitals, because puno ‘yung ward, napupunta sa semi-private and private. In fact, they should also be no balance billing and no out of pocket, pero dahil nasa private, sinisingil. That should not be the case,” ani Daza.
Gayundin ang sintimyento ni Committee Vice Chairperson at Marikina City Rep Stella Quimbo , aniya, ang mga kongresista ang nagiging lapitan ng tulong ng mga pasyente dahil walang maibayad sa ospital dahil nailagay sila sa pirvate room na libre sana kung sila ay nasa ward.
Bunga nito, umaksyon si dating Health Secretary at Iloilo Rep Janette Garin at inatasan ang DOH na magpalabas ng “no balance billing policy sa lahat ng DOH, national government at LGU hospitals na malinaw na magsasaad na sakop ng NBB ang mga pasyente na maadmit saprivate rooms sa kadahilanang puno na ang mga ward.
Agad namang inaprubahan ng komite ang mosyon ni Garin.
“I will promise to issue administrative order to strictly implement the no balance billing… ‘Pag indigent sila, no balance billing,” tugon ni Herbosa.
Samantala, umapela naman si Herbosa sa PhilHealth na agad nang bayaran ang utang sa mga DOH hospitals na nasa P13.33 billion.
“PhilHealth has to reimburse quickly the public hospitals para hindi mawalan ng operating cash flow,” pagtatapos ni Herbosa. Gail Mendoza