Home ENTERTAINMENT MJ, sumablay sa announcement ng special award!

MJ, sumablay sa announcement ng special award!

Manila, Philippines – Mukhang hindi gaanong napakinabangan ni MJ Lastimosa ang kanyang hosting experience sa Tape, Inc.-produced pa na Eat Bulaga nang mag-co-host ito sa 60th edition ng Binibining Pilipinas nitong July 7, Linggo.

Si MJ ay ang 2014 Miss Universe Philippines.

Si MJ at past Binibining Pilipinas winners na si Ruffa Gutierrez at Nicole Cordoves ay ilan sa nagsilbing mga hosts ng recently concluded coronation night ng nasabing oldest and most prestigious national pageant.

Natoka kay MJ ang pag-a-announce ng winner ng isa sa mga special awards ng gabing ‘yon.

Nagkataong ang sponsor ng nasabing special award ay ang Beautederm na pag-aari ni Ms.

Rhea Tan.

Kapuna-puna ang slip-up ni MJ nang ianunsyo niya na ang mananalo “would receive P150,000

cash.”

Sumablay siya sa parteng ang winner ay magkakamit ng “P500 worth of Beautederm products for one year.”

Buti na lang, nang bumalik sa kanya ang camera after all the special awards winners were announced ay kinorek niya ang kanyang pagkakamali.

Naging tampulan tuloy ng panunukso si MJ sa social media.

Naging co-host pa mandin daw ang dating beauty queen sa Eat Bulaga kung saan maayos naman ang kanyang pagho-host.

At least, MJ rectified her boo-boo na dapat lang naman dahil nakakahiya sa sponsor kung basta na lang palalampasin ‘yon. Ronnie Carrasco III