Home ENTERTAINMENT Kamikazee umatittude pinalayas ng Sorsogon gov!

Kamikazee umatittude pinalayas ng Sorsogon gov!

Sorsogon, Philippines- Walang choice si Sorsogon Governor Edwin “Boboy” Hamor kundi palayasin sa kanyang teritoryo ang bandang Kamikazee.

Supposedly, magtatanghal sana sa Casiguran ng naturang lalawigan ang nasabing banda along with Imago and I Belong to the Zoo nitong October 1, Linggo.

Ito’y bilang pagdiriwang ng Sanggayahan Festival doon.

Wala pang malinaw na dahilan kung bakit nagpasyang pauwiin ni Hamor ang Kamikazee maliban sa aniya’y pagkakaroon nito ng “attitude.”

Hindi raw makapapayag ang butihing gobernador na bastusin ng banda ang mga Sorsoganon.

Humingi si Hamor ng paumanhin sa mga taong umasang mapapanood ang banda whose vocalist is Jay Contreras.

Dagdag pa niya, hindi na rin daw niya pinatuloy ang Kamikazee sa Residencia del Hamor kundi pinadiretso niya ito sa paliparan.

Mangyaring doon na lang maghintay hanggang mag-umaga na magsasakay sa kanila pabalik ng Maynila.

Obyus na disappointed ang gobernador na pilit iniaangat ang dignidad ng kanyang mga kababayan only to be disrespected.

“Maniwala kayo sa akin, hindi na ‘yan makakabalik sa Sorsogon!” panunumpa ni Hamor.

Samantala, mas gustong anyayahan ni Hamor ang mga Sorsoganon na panoorin ang pagtatanghal doon ni Vice Ganda kasama sina MC at Lassy.

Magaganap ito sa October 8.

Bukas ang Remate Online para sa panig ng mga bumubuo ng bandang Kamikazee.

Pero nakakaintriga ang sinasabi ni Hamor na “attitude” nito, na ikinadismaya niya.

Sinang-ayunan naman ng kanyang mga kababayan ang nilalaman ng talumpati niya ukol sa isyu, bagay which is making social media rounds. Ronnie Carrasco III