Home METRO Mga nasunugan sa Valenzuela binigyang-ayuda

Mga nasunugan sa Valenzuela binigyang-ayuda

Pinangunahan ni Mayor Wes Gatchalian at Chief of Staff on Social Welfare Operations Dorothy Go-Evangelista ang pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang Valenzuelano na napinsala ng sunog sa lungsod.

Oktubre 2 nagsimula ang pamimigay ng tulong sa Paso De Blas 3S Center sa mga naapektuhan sa pagkatupok ng Herco Trading sa Brgy. Bagbaguin.

Labimpitong pamilya ang nakatanggap ng cash assistance mula sa pamahalaang lungsod.

₱10,000 ang nakamit ng mga nasira ng buo ang ari-arian, at ₱7,000 para sa mga bahagi lamang ang napinsala, batay sa inpeksyon ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO). Merly Iral