Home ENTERTAINMENT Kampo ni Ara, nag-react kay Bitoy!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kampo ni Ara, nag-react kay Bitoy!September 11, 2025 16:453030 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – As expected, trending ang ginawang panggagaya ni Michael V kay Sarah Discaya sa Bubble Gang.Bukod sa itsura’y kopyang-kopya ni Bitoy ang nuances ng kontratistang iniimbestigahan sa Senado.Parody ang tawag sa madalas gawin ni Bitoy sa longest running gag show.Ito’y kung saan ginagawang katatawanan ang mga seryosong isyu o personalidad na sangkot sa napapanahong usapin–as opposed to satire.Pero kung marami ang natutuwa’t naaaliw sa parody ay marami rin ang hindi–as they feel insulted or offended kahit pa biro ‘yon.Balitang nangunguna rito si Ara Mina.Matatandaang noong tumakbong Councilor si Ara sa Pasig City–yet she lost–ay ka-ticket niya si Sarah who ran for mayor but lost to Vico Sotto.Lantad kasi ang pagsasabi ni Ara na malapit siya sa mga Discaya, at hindi raw niya ito makukuhang iwan sa laban.Ito’y sa kabila ng pagiging identified ni Ara sa Bubble Gang, kung saan naging mainstay siya noon.May mga nagpapayo naman kay Ara na ihiwalay ang showbiz sa political ties nila noon ni Sarah.Dapat din daw maunawaan ni Ara that as far as mimicking Sarah is concerned ay trabaho lang ang ginawa ni Michael V.Si Ara pa raw ba ang hindi makakaintindi, eh, in the first place, nasa showbiz siya?Oo nga naman. Ronnie Carrasco III