Home NATIONWIDE Kampo ni Bato sa Korte Suprema: Senador ‘di takas sa batas

Kampo ni Bato sa Korte Suprema: Senador ‘di takas sa batas

71
0
Supreme Court

MANILA, Philippines – Sinabi ng kampo ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa Korte Suprema (SC) na hindi siya isang takas sa batas, sa pagtanggi sa pahayag ng Office of the Solicitor General (OSG) na dapat ilapat sa kanya ang fugitive disentitlement doctrine upang hindi siya makapaghain ng judicial relief.

Sa isang 117-pahinang sagot, iginiit ng kanyang mga abogado mula sa Torreon and Partners na nananatili ang senador sa loob ng teritoryo ng Pilipinas, patuloy na kinikilala ang hurisdiksyon ng Korte Suprema, at hindi umano umiwas sa mga awtoridad.

“More importantly, the fugitive disentitlement doctrine presupposes the existence of a valid and enforceable judicial process from a tribunal possessing lawful criminal jurisdiction over the person of the accused,” ayon sa mga abogado.

Giit ng kampo ni Dela Rosa, kinukuwestyon niya ang hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) at ang legalidad ng arrest warrant nito, at walang umiiral na valid warrant na maaaring ipatupad laban sa kanya.

“To prematurely brand petitioner as a ‘fugitive’ before the threshold jurisdictional question is resolved would effectively prejudge the very controversy submitted for adjudication,” nakasaad sa sagot.

Ayon sa kampo, hindi maaaring ituring na fugitive ang isang indibidwal kung wala pang pinal at ipinatutupad na utos mula sa Pilipinas na nag-uutos ng pagsuko, at iginiit na hindi umano nagtago, hindi gumamit ng ibang identidad, at hindi rin tumakas sa bansa si Dela Rosa.

Sa naunang pahayag ng OSG, hiniling nito sa SC na ibasura ang petisyon ni Dela Rosa at iginiit na kusa niyang inilagay ang sarili sa labas ng abot ng batas at dapat ituring na fugitive from justice.

Iginiit naman ng kampo ng senador na patuloy siyang nakikilahok sa pampublikong gawain at gumagamit ng legal na remedyo, kaya’t hindi siya umiwas sa proseso ng batas.

“The fugitive disentitlement doctrine cannot be weaponized as a procedural shortcut to silence constitutional challenges or bar access to judicial review,” dagdag pa nila.

Hinihiling ng petisyon ni Dela Rosa ang temporary restraining order, status quo ante order, writ of preliminary injunction, at permanent injunction upang pigilan ang pagpapatupad ng ICC warrant at mga kaugnay na hakbang ng mga ahensya ng gobyerno at dating Senador Antonio Trillanes IV.

Layunin din nitong hadlangan ang anumang pag-aresto, pagdetine, o paglabas sa kanya ng bansa nang walang valid Philippine court-issued warrant. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here