Home NATIONWIDE Kampo ni Duterte, walang ihahaing alibi o testigo sa ICC hearing

Kampo ni Duterte, walang ihahaing alibi o testigo sa ICC hearing

255
0

MANILA, Philippines – Hindi maghahain ng alibi o magpapatawag ng mga testigo ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa nalalapit na confirmation of charges hearing ng International Criminal Court (ICC) sa Setyembre 23, ayon sa pahayag ng kanyang abogado.

Batay sa isinumiteng dokumento noong Hulyo 24, sinabi ng defense counsel na si Nicholas Kaufman sa ICC Pre-Trial Chamber I na hindi nila gagamitin ang anumang probisyon sa Article 31 ng Rome Statute para iwasan ang pananagutang kriminal ni Duterte. “There is no alibi to present… no ground for exclusion,” anang filing.

Giit ni Kaufman, hindi gaanong binibigyang bigat ang kredibilidad ng mga testigo sa yugtong ito ng proseso, at ang maagang pagsisiwalat ng mga posibleng testigo ng depensa ay maaaring magbigay ng bentahe sa Prosecution upang baguhin ang estratehiya nito.

Hindi rin magsusumite ng written testimonial evidence ang depensa, ngunit maghahain sila ng documentary evidence bilang tugon sa kaso ng Prosecution. Wala rin silang physical evidence gaya ng aklat, litrato, o materyales na dapat isumite sa Prosecution.

Tiniyak ng depensa na hindi maaantala ng kanilang isinasagawang imbestigasyon ang takbo ng pagdinig. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here