Masayang ipinamalas ng mga kabataan ang kanilang galing gamit ang mga kasuotang yari at hango sa waterlily, masiglang musika, at maliksing galaw sa “Sayaw para sa Kalikasan,” isang street dancing competition na bahagi ng ika-18 Water Lily Festival sa lungsod ng Las Piñas.
Lumahok ang dalawampung barangay sa taunang paligsahan, taglay ang sigasig, pagkamalikhain, at pagmamalaki sa sariling kultura. Ipinakita ng bawat grupo ang kanilang husay sa sayaw kasabay ng saliw ng tradisyonal at modernong tugtugin. Cesar Morales