Home NATIONWIDE Kampo ni Quiboloy aapela sa arrest warrant

Kampo ni Quiboloy aapela sa arrest warrant

MANILA, Philippines- Sinabi ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy nitong Huwebes na maghahain sila ng motion to quash sa Davao City Regional Trial Court kontra warrant of arrest laban sa kanya.

Nag-isyu ang Davao City Regional Trial Court Branch 12 noong nakaraang linggo ng warrant of arrest laban kay Quiboloy para sa child abuse at sexual abuse cases.

Sa isang panayam, sinabi ng abogado ni Quiboloy na si Israelito Torreon na ikakasa nila ang motion to quash ngayong Huwebes.

Giit ni Torreon, nilabag ng Department of Justice ang “right to speedy resolution of cases” ni Quiboloy dahil pinayagan umano nito ang “more than four years for the complainant to prove his case.”

“Right to speedy disposition of case is a substantive right and it is a protected right” sa ilalim ng Konstitusyon, base kay Torreon, at iginiit na kumpiyansa siyang papaboran ng korte ang kanilang mosyon.

Mariing itinanggi ng kontrobersyal na pastor ang sekswal na pang-aabuso sa mga babaeng personal assistants o “pastoral,” at iginiit na gawa-gawa lamang ang mga akusasyon dahil tinanggihan niya ang mga ito.

Kamakailan ay naglabas si Quiboloy ng audio statement kung saan sinabi niyang nais niya ng proteksyon mula sa extradition — o paglilipat ng suspek sa ilalim ng probisyon ng kasunduan mula sa isang hurisdiksyon patungo sa isa pang prosekusyon o parusa— dahil mayroon din siyang mga nakabinbing kaso sa Estados Unidos.

Subalit, sinabi ni Torreon na si Quiboloy — na aniya ay nananatili sa Pilipinas — “may not be totally against” sa extradition process.

Ikinatatakot ng religious leader ang posibilidad ng extraordinary rendition, ayon sa kanyang abogado.

Isa ang hindi pakikialam ng US government sa “written guarantees” na inihirit ni Quiboloy fmula sa pamahalaan bago siya sumuko. Tinawag naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang mga kondisyon na “tail-wagging.”

Umapela rin si Torreon sa pagtukoy sa kanyang kliyente bilang pugante ng National Bureau of Investigation, at sinabing ang kaso laban kay Quiboloy “is still under question.” RNT/SA