Home NATIONWIDE Kampo ni Romualdez, ulamla sa balitang lumabas siya ng bansa

Kampo ni Romualdez, ulamla sa balitang lumabas siya ng bansa

1
0

MANILA, Philippines – Humihingi ng paliwanag ang kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez sa Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa mga balitang nagtangka umanong lumabas ng Pilipinas ang kongresista kahit may Precautionary Hold Departure Order (PFDO) na naka-isyu dito.

Inalmahan ni Romuladez sa pamamagitan ng kaniyang abogado na si Atty.Abdiel Dan E.S. Fajardo ang naunang pahayag ni BI Spokesperson Dana Sandoval sa media na nakatanggap diumano ng ulat ang nabanggit na ahensya na may plano umanong umalis ng bansa ang kongresista ngunit hindi ito natuloy.

Isang  “Demand for Immediate Correction and Investigation Regarding False and Highly Prejudicial Statements of the Bureau of Immigration”  ang ipinadala ni Atty Fajardo kay BI Commissioner Joel Anthony M. Viado upang agad na magkaroon ng paglilinaw ukol dito.

Nakapaloob sa liham na, “the restrictions on Rep Romualdez’s right to travel are presently subjudice and as such, are not proper subjects of public comment, discussion, or speculation, much less the dissemination of unverified, false or fabricated information.”

Dagdag pa sa sulat na “public statements of this nature issued by a law enforcement agency tend to influence public opinion or a matter still subjudice and impedes the fair and orderly administration of justice”

Giit pa rin ni Atty. Fajardo na tila nagkakaroon ng implikasyon na ang pagtatangkang tumakas ay upang iwasan diumano ang Sandiganbayan at ang nakabinbing imbestigasyon sa posibleng kasong ihahain sa dating speaker sa pagsasabing “this is a grave accusation with no basis in fact and it directly undermines Rep Romualdez’s constitutional right to be presumed innocent until proven guilty”

Nauna rito ay muling ipinahayag din  ni Atty. Elaine Atienza, opisyal na tagapagsalita ni Romualdez na haharapin nito ang anumang reklamong ihahain laban sa kaniya.

Pahayag it ni Atienza matapos makumpirma iniakyat na ng mga imbestigador ng OMbudsman sa preliminary investigation complaints para sa plunder, direct at indirect bribery, graft, at paglabag sa Anti-Money Laundering Act (AMLA) laban kay Romualdez  kaugnay sa kontrobersiya sa flood control.

“Tulad po ng nasabi na namin noon pa man, handa si Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez na harapin ang anumang reklamo laban sa kanya. Naniniwala kami na kung magkakaroon ng patas na laban at patas na paghuhusga batay sa ebidensya, mapapatunayan ni Rep. Romualdez ang kanyang panig. Hinihiling lamang namin sa publiko na hayaang manaig ang proseso at ebidensya ang magpasya” (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here