Home METRO Kampo ni Uy may patutsada sa proklamasyon ni Abante, COMELEC nakasubaybay

Kampo ni Uy may patutsada sa proklamasyon ni Abante, COMELEC nakasubaybay

236
0

MANILA, Philippines – Labag sa konstitusyon ang proklamasyon ni Benny Abante bilang Kinatawan ng ng ika-anim na distrito ng Maynila, ayon sa kampo ng nanalong si Joey Uy.

Ipinunto ni Atty.Edward Gialogo na siyang legal counsel ni Joey Uy na wala nang kapangyarihan ang Comission on Elections na bawiin pa ang pagkapanalo ni Uy dahil siya ay naiproklama at nakapanumpa na.

Ayon sa kanya, ang House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) na ang dapat may hurisdiksyon sa usapin.

Iginiit ng kampo ni Uy na ang Certificate of Finality na inilabas ng Comelec ay ilegal at labag sa Konstitusyon.

Sinabi ng abogado na mayroon silang nakabinbin sa Korte Suprema na dalawang petisyon sa pagpapatupad ng resolusyon nito at atasan ang Kamara na kilalanin si Uy bilang kongresista.

Tiwala ang kampo ni Uy na papanigan sila ng Korte Suprema at igagalang nito ang Konstitusyon at ang rule of law.

Bukod sa pagiging legal na usapin, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na papasok din dito ang usapin ng pagiging miyembro ng Kongreso, na tanging House of Representatives lamang ang may kapangyarihang magresolba.

Sinusubaybayan na rin ng Comelec ang mga magiging hakbang ng Kongreso at Korte Suprema kaugnay ng isyu. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here